compositions    

Iskultor
ni Banaue Miclat



Tinikman ko ang asin ng katawan mong babad sa araw
At naisip kong ang pag-ibig ay isang ilusyon.

Tinitigan ko ang mata mong hindi marunong kumurap
At nakilala ko ang katotohanang isa lamang kinikitá.

Hanggang sa ginising ako ng malamig na tubig ng tabing-dagat,
Ang labi ko’y budbod ng buhangin,
Ang mata ko’y silaw ng araw.
At nasapo kong ikaw pala yaong ilusyon.



Hunyo 2005




Sculptor
by Banaue Miclat



I tasted the salt of your sun-soaked skin
And I thought that love is an illusion.

I stared at your unflinching brown eyes
And I recognized the truth that’s merely a hallucination.

Till the splash of cold sea-water woke me up,
And sand sprinkled on my lips.
My eyes were blinded by the sun,
And I realized that you are the illusion.



June 2005




Back to list


Copyright © 2005 Banaue Miclat | Design By: Violago.net