Pakiusap ng Tamihik na Pamamaalam
ni Banaue Miclat
(Nakikiusap ng tahimik na pamamaalam)
Wala na tayong dapat balikan.
Tapos na ang sampung taon ng pananaghoy,
Magpalaya ka at tumalikod.
Hahakbang ako papalayo.
Hindi ako makakalimot
Sa mga hiwaga ng salita,
Sa mga salitang may hikbi,
Sa mga hikbi ng pagbabago,
Sa pagbabago ng pag-ibig.
Nadaanan ko ang halik mo.
Nadaanan ko ang sining mo.
Nadaanan natin ang alon.
Dinaanan tayo ng bagyo.
At bumagsak ang tahimik na niyebe.
Patahimikin mo na ako…
Pebrero 2005
A Plea for Solitude
by Banaue Miclat
(I ask for a gentle farewell)
We have lost returning to.
Ten years of desperation has ended.
Free me and turn away.
I will walk away.
I will not forget
The mystery of words,
The word-filled sobs,
The sobs of change,
The change of love.
I tasted your kiss.
I tasted your art.
We treaded the waves.
The storm treaded us.
And silent snow fell.
Allow my silent farewell…
February 2005
Back to list